header image
 

ERJHS ‘84, makalipas ang 24 na taon.

Ika-siyam ng Nobyembre taong Dalawang Libo at Walo.

Kay gandang umaga, mataas ang sikat ng araw na sadya yatang tinimplahan ng malamig na simoy ng hangin upang bigyang buhay ang isang pagdiriwang na magaganap sa araw na iyon. Pagdiriwang na magpahanggang ngayon ay hindi mawaglit sa aking isipan, ang galak, ang tuwa, ang mga halakahak, ang bawat yakap at pagdadaop ng mga palad. Hay, napakagandang araw na para bagang muli akong isinilang, na parang muling nabuksan ang pinto ng aming nakaraan. At ito ang aming kwento…….

alas-nwebe y medya ng umaga, hayyss pihadong late ako nito, nanalangin muna na wag sanang umulan sa araw na iyon., lulan ng aking motor tinahak ko ang daan mula bulacan patungong QC. Ang destinasyon, Tea House ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife.

Ano bang meron? Ano ba ang okasyon?

Sa mga babasa na hindi pa marahil batid kung ano ang tinutukoy ko. Sa bawat kasapi ng E. Rodriguez Jr. High School Batch ‘84, ang lugar, araw, at selebrasyong iyon ay hindi siguro maiwawaglit sa aming mga alaala.

E bakit kamo? Aba e halos mahigit na yata 24 apat na taon na pinagisipan, pinagplanuhan, at sa wakas ay naisakatuparan ang kaunaunahang reunion ng ERJHS Batch ‘84.

Sa mga batchmate ko, sinabi kong “mahigit na yata 24 apat na taon”, wag nyo nang itanong kung bakit, pero dun sa mga interesado, kung matatanong nyo pa si Ms. Lugue, e siguradong alam nyo na ang dahilan.

Bandang alas-onse ng umaga ng tumigil sa pagikot ang gulong ng aking motor sa tapat ng guard sa gate ng Parks and Wildlife.

Unang tanong ko, “Boss saan po ang Tea House?”

“Kanan lang po direderetso lang makikita nyo po yun. Bayad lang po kayo ng parking fee, 16 pesos lang po.”, tugon guard.

Napakagalang ng gwardya, abot ng bente pesos, at pinatakbo muli ang motor. hmmm teka parang may nakalimutan yata ako. Ay sus ang sukli ko nga pala, hayaan mo na nga. Hays hindi naman halatang excited sa reunion.

mula outpost dahan-dahan kong pinatakbo ang motor papunta sa lokasyon ng tea house, 5kph ang speed limit sabi ng signboard, ???? muntik na akong bumaba sa pagkakasakay sa motor at itulak ko na lang.

matapos ang pagbabasa ng napakaraming signboard, pagtingin-tingin sa paligid, sa wakas…. natanaw ko na ang kanina ko pa hinahanap……. Male Comfort Room.

At sa tabi nun nakita ko na ….. ang langit.

Tea House pala.

Time-out 3 a.m. na pala, mamaya na ang kasunod, isang basong kape muna, at kapirasong pagidlip.

~ by rebelsoul on November 11, 2008. Tagged:

3 Responses to “ERJHS ‘84, makalipas ang 24 na taon.”

  1. Kainis! BITIN!!!

  2. Sige, ituloy ko na… he he he he! Excuse me Bro Gilbert, para ke Cheryl ito!

    Di iilang beses kong napanaginipan ang lahat. Isang hibla sa aking balintataw ang angsasabing “sa wakas, makikita ko na sila”. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa aming tagpuan ay hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili… “ano na kayang itsura niya?” Halos lakad, takbo, lakad ang ginawa ko (susme, nakalimutan ko - naka-motor ka nga pala). Nais kong paliparin ang sarili sa magkahalong kaba at ligaya.

    Ilang sandali pa at aninag ko na sa malayo ang Tea House. Hindi ko sukat akalain ang ganda ng lugar. Para bagang hinubog ng mga diwata ang kapaligiran. Sabay ng huni ng mga ibon ay ang bahagyang pagaspas ng mga dahon ng kawayan. Sa dako pa roon sa ‘di kalayuan, dinig din ang malamyos na alon ng tubig ng look na tila nagsasabing sadyang kay gandang araw.

    Nang walang anu-ano’y nakita kita. Larawan ka ng isang anghel na nanaog sa lupa. Gusto kong umiyak, lumuha sa galak. Sa wakas, nakita ko rin ang aking minimithing pangarap. Nakita ko na si CRISANTO CARAG, ang aking nawawalang kakambal.

    (sa hindi inaasahang pangyayari, ang may akda ay nabilaukan at kasalukuyang binabatukan ng chimay sa kusina. ipagpaumanhin po lamang ang pagka-antala)

    OMAR

  3. HOY CHE, ADD MO KO… omargalgana@yahoo.com

Leave a Reply