Hirap maging mahirap
minsang pabalik na ako sa pintuan ng aking bahay, kagagaling ko lang sa tindahan ng aking kapitbahay, naulinigan ko ang paguusap ng dalawang bata at ina nila marahil.
“nay nakasaing na si ate, ano uulamin natin?” naulinigan kong sabi ng isang bata sa kanyang ina.
matagal na di nakakibo ang ina….
tugon ng isang anak, “nay ok na yung sitsirya na yun”
sabay turo sa tigpipiso yatang sitisirya na nakasabit sa estante ng tindahan
“masarap naman yun nay dba!” muling wika nung bata.
nakapasok ako ng bahay, nailagay ang binili kong sardinas sa mesa, at saka lang nagsink-in sa akin yung senaryo na iyon.
“Teka, may mali yata sa senaryo na yon.” ang nawika ko sa aking sarili.
matagal na pagiisip, matagal na pagmumunimuni.
isang pamilya magsasalo-salo sa nilutong sinaing at sa sinabing sitsirya.
ilan sila sa pamilya nila? ilang mga bata ang maghahati-hati sa hapunan na iyon?
sapat na ba yun?
yung huling katanungan para sa akin yata yun, sapat na ba yung naisip ko lang kung ano mali sa senaryo na yun? sapat na ba yung nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa mag-inang yun?
sa dami ng mali sa senaryong yun, akin yata yung pinakamaling nagawa.
ano yung pagkakamali na yun, ay sus kailangan ko pa bang ipaliwanag? OO NAMAN.
O sya wala na nga akong nagawa kundi ang isipin ang kundisyong nila, yun ang mali sa senaryo yung salitang WALA.
walang ginawa kundi isipin kung papano sila kakain, walang ginawa kundi damahin ang lungkot ng pamilyang yun.
walang ginawa kundi alalahanin ang nagdaang panahon ng aking kabataan na kung saan naranasang matulog din ng walang laman ang sikmura. pinipilit umidlip habang iniisip kung ano ang nararamdaman ng aking mga kapatid at nanay na nagkasya na lang sa pagtulog ng hindi nasayaran ng pagkain ang nangungulit na sikmura.
teka fast forward muna, bago ako maiyak.
“Kevin, ano ang intindi mo sa salitang kahirapan?”
“poverty sir”, ang nakangiting tugon ng aking mag-aaral.
“niloloko mo ko, iningles mo lang e”, at sinabayan naming ng tawa.
“E sir hindi ka masasagot nyan hindi naman nya dinanas yun noh.”, ang dagdag ni Fiona (estudyante ko din syempre)
tama nga naman, sa isang private school na pinagtuturuan ko, ilan nga kaya ang nakakaintindi kung ano ang maging mhirap.
ilan sa kanila ang naranasang pumasok ng paaralan suot ang pinakamamahal nilang pudpod at gasgas ng tsinelas? meron nga kaya, last time i checked puro bandolino, rusty lopez, crocs ang sapin sa paa nila.
ilan kaya ang nakaranas na tumayo sa estribo ng bus, o sumabit sa likuran ng jeepney? hmm wag nyo nng pangarapin ang pagsabit, bawal yun, a delikado.
ilan sa kanila ang nakaranas na umupo sa gilid ng jollibee? habang naghihintay na sana ay may pumansin man lamang sa kanila.
wala marahil, silang mga isinilang na hindi yata nadapuan ng kahirapan.
hala, ala-una na pala, kailangan na munang ihimlay ang pagod na mata at katawan. kita nalang muli mamaya.


T_T sapol.
rayamae said this on October 14, 2008 at 8:03 pm
[...] Hirap maging mahirap [...]
Filipinos join Blog Action Day | tonyocruz.com said this on October 15, 2008 at 10:24 am
[...] Day 2008 – Poverty: Addressing Society’s Real Conflicts Poverty in the Philippines Hirap maging mahirap Gratitude is a Sickness Suffered by Dogs Poverty and the Filipino Diaspora Helplessness Blog Action [...]
Blog Action Day 2008–POVERTY in verse : The D Spot said this on October 15, 2008 at 11:48 am
[...] Blog Action Day 2008 – Poverty: Addressing Society’s Real Conflicts Poverty in the Philippines Hirap maging mahirap Gratitude is a Sickness Suffered by Dogs Poverty and the Filipino Diaspora Helplessness Blog Action [...]
Poverty Does Not Equate to Unhappiness » Bakla Ako, May Reklamo? said this on October 16, 2008 at 2:09 pm
How are you?, Do something to help the hungry people in Africa or India,
I created this blog about them:
on http://tinyurl.com/6bz6t7
cheritycall said this on October 27, 2008 at 11:37 pm
just chanced upon ur blog site..hmm yah mahirap maging mahirap ^^ cudnt say more esp coming from the province in mindanao where mas matindi pa yata eksena dun..and ou mas nakaka frustrate ung WLA ka masyado magawa ..*sigh*
bong said this on February 1, 2009 at 6:58 pm