header image
 

1109

sa mga hindi pa nakakaalam (na hindi ko malaman kung bakit hindi mo/nila alam), ang titulo ng akdang ito ay hindi numerong pantaya sa jueteng, at hindi rin yan nobyembre taong 2009, mas gusto kong basahin yan bilang ONSEHAN 09.

ano ba itong 1109, ahh hindi ka updated sa current chismax kapag di mo alam yan, yan ang panukala na inaprobahan ng kasalukuyang mababang kapulungan ng kongreso (house of gloriasentatives yata ang tawag dun, kaya mababang kapulungan), na ang layon nila ay palitan ang kasalukuyang konstitusyon (CHA-CHA) sa pamamagitan ng tinatawag nilang CON-ASS. para daw mabago ang ilang mga batas na nakakahadlang sa pagunlad, ang gandang pakinggan, napakarangal ng gusto nilang mangyari, para sa bayan sabi nga

pero bago tayo matuwa ano, e ano bang mga batas yun?

sagot ng mga representatives sa HOG (house of gloria), mga economic provision daw ang idadagdag nila.

e ano naman kayang economic provisions, e sasabihin daw nila kapag pumayag na tayong matuloy ang Con-Ass nila.

ahh so ganun pala, gusto nilang pumirma tayo sa isang kasunduan na nakasulat sa isang blankong papel, katulad din ng pagbibigay ng isang blank check, wow sosyal.

wag daw magalala, “Its Just A Matter of Trust” daw, teka muna e hindi naman pang CHA-CHA yung kanta na yun ni Billy Joel ah. isa pa, may trust pa bang makikita sa kanila, maliban dun sa trust na nakaipit sa wallet nila, kung ano man yung trust na yun e kayo na ang magisip.

sabi ng mga HOG, wala daw katotohanan na ginawa iyon upang panatilihin ang kasalukuyang PangGulo sa pwesto, bukod dun e hindi na daw pwedeng tumakbo ang PangGulo sa 2010.

yun naman pala e…. pero teka e diba gagawin din nilang parliamentary ang porma ng gobyerno kapag natuloy ang CHA-CHA, e di ibig sabihin Prime Minister ang papapel na Pangulo? e di pede pa din maging tongresswoman si GMA at maging Punong Ministro ng Tongreso, e di ganun din yun.

oops kinakapos na sa tinta ang utak ko, pero di pa ito nagtatapos dito, tutal binasa mo na din lang hanggang dito, pakibasa mo ba din ang sinipi ko sa artikulo ni Amando Doronila sa column nya sa inquirer.

ang huling tanong ko na lang “PapaOnse na naman ba tayo?”

Worthless document

By Amando Doronila

Philippine Daily Inquirer
First Posted 02:50:00 06/05/2009

The resolution offers a blank check on which to write objectives, including the shift from the presidential to the parliamentary system, which would allow the President to run for Parliament seat. Her critics have asked the President to dissociate herself from the House resolution and to rein in her allies in the merged administration parties from rigging the implementing rules of the resolution. She remained coy, protesting that the resolution was a legislative project in which she cannot interfere out of respect for the separation of powers between the legislature and the executive.

The resolution states that while no specific proposals to amend the Constitution could formally be given due course unless and until this call to convene members of Congress is effected, it pledges that:

The term of offices of elected incumbent officials, including the President, shall not be extended, and there shall be elections in 2010. Some congressmen, including Parañaque Rep. Roilo Golez, said there was a big possibility that the four assurances or items pledged by the supporters of HR 1109 may be discarded once the Con-ass is convened.

One of the four is the assurance that the proposed amendments would not include the extension of terms of office of incumbent elective officials.

During the debates last Tuesday, Golez asked La Union Rep. Victor Ortega, one of the sponsors of the bill, for an assurance on these items, and Ortega answered: “I cannot promise anything. Anything can happen. It’s on a trust basis. I can assure you of my pledge. But I cannot speak for others. You have to ask them.” When asked if the 2010 election could be postponed by the constituent assembly, Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., one of the sponsors of the bill, said, “Everything is possible. It depends upon the wisdom of the constituent assembly.”

ERJHS ‘84, makalipas ang 24 na taon.

Ika-siyam ng Nobyembre taong Dalawang Libo at Walo.

Kay gandang umaga, mataas ang sikat ng araw na sadya yatang tinimplahan ng malamig na simoy ng hangin upang bigyang buhay ang isang pagdiriwang na magaganap sa araw na iyon. Pagdiriwang na magpahanggang ngayon ay hindi mawaglit sa aking isipan, ang galak, ang tuwa, ang mga halakahak, ang bawat yakap at pagdadaop ng mga palad. Hay, napakagandang araw na para bagang muli akong isinilang, na parang muling nabuksan ang pinto ng aming nakaraan. At ito ang aming kwento…….

alas-nwebe y medya ng umaga, hayyss pihadong late ako nito, nanalangin muna na wag sanang umulan sa araw na iyon., lulan ng aking motor tinahak ko ang daan mula bulacan patungong QC. Ang destinasyon, Tea House ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife.

Ano bang meron? Ano ba ang okasyon?

Sa mga babasa na hindi pa marahil batid kung ano ang tinutukoy ko. Sa bawat kasapi ng E. Rodriguez Jr. High School Batch ‘84, ang lugar, araw, at selebrasyong iyon ay hindi siguro maiwawaglit sa aming mga alaala.

E bakit kamo? Aba e halos mahigit na yata 24 apat na taon na pinagisipan, pinagplanuhan, at sa wakas ay naisakatuparan ang kaunaunahang reunion ng ERJHS Batch ‘84.

Sa mga batchmate ko, sinabi kong “mahigit na yata 24 apat na taon”, wag nyo nang itanong kung bakit, pero dun sa mga interesado, kung matatanong nyo pa si Ms. Lugue, e siguradong alam nyo na ang dahilan.

Bandang alas-onse ng umaga ng tumigil sa pagikot ang gulong ng aking motor sa tapat ng guard sa gate ng Parks and Wildlife.

Unang tanong ko, “Boss saan po ang Tea House?”

“Kanan lang po direderetso lang makikita nyo po yun. Bayad lang po kayo ng parking fee, 16 pesos lang po.”, tugon guard.

Napakagalang ng gwardya, abot ng bente pesos, at pinatakbo muli ang motor. hmmm teka parang may nakalimutan yata ako. Ay sus ang sukli ko nga pala, hayaan mo na nga. Hays hindi naman halatang excited sa reunion.

mula outpost dahan-dahan kong pinatakbo ang motor papunta sa lokasyon ng tea house, 5kph ang speed limit sabi ng signboard, ???? muntik na akong bumaba sa pagkakasakay sa motor at itulak ko na lang.

matapos ang pagbabasa ng napakaraming signboard, pagtingin-tingin sa paligid, sa wakas…. natanaw ko na ang kanina ko pa hinahanap……. Male Comfort Room.

At sa tabi nun nakita ko na ….. ang langit.

Tea House pala.

Time-out 3 a.m. na pala, mamaya na ang kasunod, isang basong kape muna, at kapirasong pagidlip.

Hirap maging mahirap

minsang pabalik na ako sa pintuan ng aking bahay, kagagaling ko lang sa  tindahan ng aking kapitbahay, naulinigan ko ang paguusap ng dalawang bata at ina nila marahil.

“nay nakasaing na si ate, ano uulamin natin?” naulinigan kong sabi ng isang bata sa kanyang ina.

matagal na di nakakibo ang ina….

tugon ng isang anak, “nay ok na yung sitsirya na yun”
sabay turo sa tigpipiso yatang sitisirya na nakasabit sa estante ng tindahan

“masarap naman yun nay dba!” muling wika nung bata.

nakapasok ako ng bahay, nailagay ang binili kong sardinas sa mesa, at saka lang nagsink-in sa akin yung senaryo na iyon.

“Teka,  may mali yata sa senaryo na yon.” ang nawika ko sa aking sarili.

matagal na pagiisip, matagal na pagmumunimuni.

isang pamilya magsasalo-salo sa nilutong sinaing at sa sinabing sitsirya.

ilan sila sa pamilya nila? ilang mga bata ang maghahati-hati sa hapunan na iyon?

sapat na ba yun?

yung huling katanungan para sa akin yata yun, sapat na ba yung naisip ko lang kung ano mali sa senaryo na yun? sapat na ba yung nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa mag-inang yun?

sa dami ng mali sa senaryong yun, akin yata yung pinakamaling nagawa.

ano yung pagkakamali na yun, ay sus kailangan ko pa bang ipaliwanag? OO NAMAN.

O sya wala na nga akong nagawa kundi ang isipin ang kundisyong nila, yun ang mali sa senaryo yung salitang WALA.

walang ginawa kundi isipin kung papano sila kakain, walang ginawa kundi damahin ang lungkot ng pamilyang yun.

walang ginawa kundi alalahanin ang nagdaang panahon ng aking kabataan na kung saan naranasang matulog din ng walang laman ang sikmura. pinipilit umidlip habang iniisip kung ano ang nararamdaman ng aking mga kapatid at nanay na nagkasya na lang sa pagtulog ng hindi nasayaran ng pagkain ang nangungulit na sikmura.

teka fast forward muna, bago ako maiyak.

“Kevin, ano ang intindi mo sa salitang kahirapan?”

“poverty sir”, ang nakangiting tugon ng aking mag-aaral.

“niloloko mo ko, iningles mo lang e”, at sinabayan naming ng tawa.

“E sir hindi ka masasagot nyan hindi naman nya dinanas yun noh.”, ang dagdag ni Fiona (estudyante ko din syempre)

tama nga naman, sa isang private school na pinagtuturuan ko, ilan nga kaya ang nakakaintindi kung ano ang maging mhirap.

ilan sa kanila ang naranasang pumasok ng paaralan suot ang pinakamamahal nilang pudpod at gasgas ng tsinelas? meron nga kaya, last time i checked puro bandolino, rusty lopez, crocs ang sapin sa paa nila.

ilan kaya ang nakaranas na tumayo sa estribo ng bus, o sumabit sa likuran ng jeepney? hmm wag nyo nng pangarapin ang pagsabit, bawal yun, a delikado.

ilan sa kanila ang nakaranas na umupo sa gilid ng jollibee? habang naghihintay na sana ay may pumansin man lamang sa kanila.

wala marahil, silang mga isinilang na hindi yata nadapuan ng kahirapan.

hala, ala-una na pala, kailangan na munang ihimlay ang pagod na mata at katawan. kita nalang muli mamaya.

Bente pesos na taho, at libreng konsyerto sa araw ng linggo

Bente Pesos na Taho

Bente Pesos na Taho

Sa wakas dumating na din ang suki kong magtataho, right on time 7:30, makulilim nang kaunti ang kalangitan.

bente pesos na taho, hehe tataka-taka sa pagtingin ang mga maagang tricycle boys na nakatambay malapit sa tapat ng aking bahay. Ano kaya ang nasa isip nitong mga ito at nakatingin sa hawak kong baso?  Isang malaking baso at at halagang bente pesos na taho lang naman ang binili ko.

¨Oopps mamang magtataho, paalala lang 2 scoop lang ng arnibal ang ilagay mo.¨

Ayun lalong nagtaka ang mga kasabay kong bumibili, iniisip marahil kung ano ang lasa ng taho kapag ganun katabang, hmmm para ka lang kumakain ng tokwa straight from the tindahan, mahirap bang kainin yun?

Maaga yatang nagtinda si Aling Rosing ngayon, sya yung nagtitinda ng banana cue at turon sa tapat ng bahay ko, kaya ayun maaga pa din maingay na sa tapat ko.

Maingay ang iyak ng mga bata na karay-karay ng kanilang mga nanay, biruan ng mga tambay na syang gumambala sa naudlot na paghalik ko sa labi ni Mylene Dizon, (sumikat na kasi ang haring araw nananaginip  ka pa).  At syempre pa ang napakahabang litanya na naman ni Brownie, ang musika sa kalsada, napakahabang pagtahol na sinasabayan ng angil ng makina sa bawat pagdaan ng mga tricycle, o dba laging may konsyerto sa tapat ng bahay ko.

Ahhh sa wakas nasilayan ko na ang araw, makasaglit na muna kaya  sa gym.

Indies ng mga Indios

Napatagal ang pagtitimpla ko ng kape, kung kaya naman ngayon ko lang naisipang galawin ang tekaldo ng aking keyboard.

Hehehe mga dalawang gabi ko ng kinakamot ang utak ko dahil sa kati na dulot nito, kating nangungulit na kati na nagsasabing kailangan kong isulat ang mga bagay na tungkol sa mga Pinoy Indie Films.

Tanong sa akin ng aking kasama, “Teka e bakit ba ako magsusulat tungkol dun e hindi pa naman ako bihasa sa tinatawag na indie films?”

Ang sagot, “e bakit ba e hindi naman ikaw ang kinakati ang utak a.”

Ano nga ba ang indie films? Bakit sa aming bundok eh parang hindi pamilyar ang mga tao dito? Nagdaan ba ang mga pelikulang ito sa mga sinehan sa SM Fairview? Takot ka bang manood nito?

Simulan ang mga katugunan sa mga tanong.

Kapag sinabing indie, eto yung pinaigsing indipendent, at hindi Indio na “e” ang letra sa dulo.

“E ano naman yung indie films?”

Sa pagkakaunawa ng isang pangkaraniwang indio na tulad ko, kapag sinabi mo na mang Indie Films, maaring eto ang kahulugan

  • isang maikling pelikula (short film)
  • low budget films ng isang low budget producer
  • gumagamit ng digital camera upang kunan ang mga eksena
  • minsan malabo ang shots o kaya malabo ang audio
  • pelikulang hindi mo mapapanood sa mga sinehan
  • di kilala ang mga artistang gumaganap
  • ang mga tema medyo sensitibo sa panlasa
  • kung ang type mong pelikula e medyo patweetums effect e hindi para sa iyo ang indie flms. kung ang hilig mong panoorin e mga taong tumutulay sa kawayan, o kaya e nakakalipad, hindi rin para sa iyo to. hindi mo din mapapanood sa indie si Rambo, Robocop, Gagamboy, Gagambino, at kung ano pang mga kagagahan.

“E ano nga ngayon ang indie film?”

Sa paglipas ng panahon, sa maniwala ka at sa hindi napakahaba ng panahong lumipas, umunlad ang indie films, kaya maari ganito na ang kahulugan nito,

  • isa na itong mahabang pelikula (full length film)
  • medyo low budget pa din pero mas may pera na ang mga producer nito
  • medyo hi-tech na din ng konti ang gamit sa paggawa nito
  • ilang bahagi na lang ng pelikula nag medyo malabo
  • mapapanood mo na din ito sa ilang piling sinehan sa metro manila, tulad ng sa Robinson’s Galleria (ang layo naman)
  • madami ng mga kilalang artista na gumaganap dito
  • ang mga tema, ay grabe talagang sensitibo
  • at isa sa masasabi ko, hehe, ang Indie Films ang mga Pelikulang Totoo.

Sa mas mahaba at mas makabuluhang mga paliwanag maaring mong bisitahin ang mga artikulong sumusunod:

Uy nagbabasa ka pa din? hehe interesado. teka ano na ba ang mga napanood ko nang pinoy indie films, subukan mo ang mga ito, at pakihanap mo na din ang mga sites, hehe ngawit na ang keyboard ko. Saka ko na lalagyan ng link.

  • Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
  • Sarong Banggi
  • Kubrador
  • Baryoke
  • Ataul For Rent
  • Mga Pusang Gala
  • Rome & Juliet
  • Bayaning 3rd World
  • Ploning (bagama’t hindi itinuturing na isang Indie Film ng artistang gumanap dito)

O sa muling pagkakape.

pagsulat at pagbasa

hmmm parang title ng isang libro, o teka, isa nga yata iyon libro na gamit ng high school o elementarya noong dekada `80. nabasa ko pa nga yata, ang di ko lang alam kung natuto ako sa mga binasa ko

Sa pagbasa maari, sa pagsulat…… di siguro pangit penamanship ko e. (bukod yata sa di na natutong sumulat di pa naintindihan ang binasa)

naalala ko tuloy ang unang pagtatangaka kong sumulat ng maikling kwento, nasa ikalawang antas na ako ng high school, sa Pilipino subject, sa pangangasiwa ni bb. fulgencio. love isturi, hehe ang kurni, ang babaw, di ko nga itinabi. ayun na miss ko bigla yung sinulat ko.

naulit pabang muli ang pagsulat ko? paminsan-minsan, hindi naman kasi ako gifted pagdating sa pagsulat, parang mga akdang pinilit ang mga nilikha ko.

pero may iba din namang humanga…. tulad ni……. hmmm saka si ……. at madami pa sila.

ang hindi ko maintindihan, konti na lang yata ay kamutin ko ang utak ko sa pangangating hindi ko naman alam kung ano ang pinagmumulan. ang paulit-ulit na sinasabi sa akin, subukan kong sumulat uli…..

hmmm pagbigyan, tutal linggo naman ngayon, baka madami ang walang magawa sa kasalukuyan o kaya naman ay tinamad pumunta ng mall gawa ng kabi-kabila ang traffic sa kasalukuyan, kung kaya baka pagtyagaang pansinin, tignan, punahin, laitin, ang kung ano mang maisusulat ko.

pero syempre bago mag simula isa munang mainit na kape.

baka sakaling magising

(alay sa samahang filipino ng SHAN)

saan naparoon at tila nawala
mga dakilang pinsel, sa isip ko ay lumikha
mga awit at tula, kuwento at sanaysay
na sa pangaraw-araw, pamatid sa lumbay

ang florante at laura ni ginoong balagtas
pinunla ay pag-ibig sa bayan at sa liyag
pinukaw ang puso, at naging pangahas
sa sintang makapangyarihan, hinamak ang lahat

panulat ni pepe, matalas at marahas
kung kaya ang bayan agad bumalikwas
si ibarra ay sa noli, si simoun ay sa fili
gabay ng himagsikan, nagpalaya sa bayan

ngunit ano itong sa atin ay dumating
wala ng marinig sa kabataan kong giliw
wala na ba ang ingay ng inyong lapis at papel
at maging tamis ng dila’y naging maasim na kahel

kabataan kong mahal, nawa’y muling paginitin
ang dulo ng lapis sa pagsulat sa papel
lumikha ng tula, kwento, awit at sanaysay
gisingin ang diwang matagal nang nahimlay.

Magda at Kris

Takbo Magda, takbo
Kapag inabot ka ng mga tao
Siguradong sakit ng katawan ‘to
Ilag ayan na ang bato

Lingon ka
Malapit na sila
Humarap ka
Mababangga ka

MAGDA:
Punyeta, haharang-harang ka, di mo ba nakita, ayan na sila, pag inabot ako nyan, babalikan kita.

KRIS:
Tigil, upo ka muna. Di mo ba nakita, natigilan sila, teka taas ko lang placard ko para mabasa nila. “Let he who is without sin cast the first stone.”

MAGDA:
Wow tol bigat mo, sukat ba naman na biglang tumigil sa pagtakbo ang mga tao nang makita ka. At placard mo ha heavy, Ingles pa nakasulat, pero teka, unfair ka naman tsong, bakit “he”, wala ka bang nakikitang babae dyan? Helllllooo e kung yun ang bumato skin.

KRIS:
Hehehe sorry, ruled by male chauvinist pigs pa rin tong society mo eh, kaya’t wag kang magalala walang babato sa iyo na kalahi ni Eba, yun e sa kundisyong wala ni isa man sa lahi ni Adan ang aako na siya ay walang bahid ng ano mang kasalanan.

MAGDA:
E sing lapad naman ng pader ng Great Wall ang mukha ng lalaking yun kung aamin sya na wala syang kasalanan, pero teka, di ba sa lahi ni Adan maraming kayong ganun? Mga self-righteous men of god.

KRIS:
Asus, iha marami nga yun, pero marami din namang self-leftist men of god.

MAGDA:
Ha? Di ko yata naintindihan yun? Please explain.

KRIS:
Saka na, umalis na muna tayo dito. Bago nila maiisip kung anong mga chicka ang pinauusapan natin.

- Hanggang Dito Muna -

Hehehe wala lang ulit, nagutom na ko e, 2loy ko na lang next time. Muli kung nakarating ka hanggang di2 salamat sa pagbasa, kung palagay mo na walang kwenta to, iwan ka lang ng comment, at isa lang ang siguradong isasagot ko sayo, “Paki ko! e sa gusto kong isulat ang nasa isip ko e, at helloooo show ko to, blog ko pala!”, hehe joke lang salamat na rin sa opinyon. Sa susunod na lang yung karugtong.

Gusto ni Nanay, Ayaw ni Tatay

Aaaahhh, hingal, hingal, haaa, haaaa.

“Bilisan mo pa, bilis pa”, “ahhhhhhhhhhhhh, malapit na”, “diin mo diin mo pa”

“pigilan mo matagal pa ko”, “yan na, yan naaaaaaaaa, ahhhhhhhh”

Putris na yan, ingay naman ng dalawang ito, parang pagaari nila itong iskinita di2 smin, alam naman nilang isang dipa lang ang pagitan ng mga bahay d2, di man lang pigilan ang halinghing nila. Putsa kung kailan pa naman wala si She d2 sa bahay, saka pa nag-ingay 2ng dalawa. Punyeta, parang tatawagin ko na naman itong si Mary Palmer.

Blaag, bog.

“Put… ina, di ba sabi ko sayo pag-iingatan mo yang katawan mo, ano’t sinasabi mong 1 buwan ka nang walang dalaw, hoy di mo ba inisip na walang pang dalawang taon s kulit, eto buntis ka nanaman”

O ano to, matapos makarating sa gloria, gyera naman ngayon, buwisit, papano ka ba naman makakatulog nyan, maaga pa naman ang pasok bukas.

“Put… ina mo rin, sino ba may gusto nito, ako lang ba, kasalanan ko ba na paguuwi ka ng lasing e ako ang dinudutdut mo. Hindi bat tirik lagi ang mata mo sa bawat pagputok nyang ari mo.”

“Oo nandun nako, pero ako ginagawa ko lahat ng pag-iingat, hindi bat hinuhugot ko naman, e bakit nabuo yan.”

“ogag ka rin naman ano, sabi ko naman sa yo magkapote ka, kung sinunud mo na lang bat c senador condom edi sana walang sigawan ngayon.”

Ayun sinasabi ko na, tapos ng gloria ayaw, pangatawanan ang ibubunga.

“Puta, ikaw itong di nagiingat, nailalabas ko naman lahat bago magkaputukan sa loob a, teka sigurado ka bang skin yan.”

“Aba’y bwakang ina mo rin pala eno, ano ibig mong sabihin dyan sa sinabi mo, ikaw ha umayos ka, baka di kita matantya. baka gusto mong humagis ang mga gamit mo sa labas.”

Punyetang yan, murahan ng murahan, mga put… in., teka nga, bakit ba kapag pagmumura, laging kaakibat ng mura ay ina o dili kaya ay babae, ni minsan di ko pa naririnig sa paligid ko ang “Putang Ama mo”, hmmm mukhang maganda tunog nun a.

“ok tama na tama na, ang skin lang naman mahirap magpalaki ng bata sa panahong ito, tulad nyan, walang pang 2 taon yang anak mo, mahal ang gatas ngayon a.”

“Ah ganun ng magpakasarap ka sa katawan ko anak natin ang nasa isip mo, ngayon, kaharap mo gastos na anak ko na lang si jun.”

“o sige na tama na yan, pasensya na, tutal dugo pa rin naman yata yan baka naman pwedeng… alam mo na.”

Yun, yung ang pinakamadaling solusyon sa problema ng mga ogag na yun, pero kung iisipin, tama ba yun. Di naman ginusto ng fetus na mailagay sya dun a, bakit sya ang magdurusa.

“Hoy tumigil-tigil ka nga dyan, tarantadong to gagawin pa akong kriminal, mahiya ka nga sa pagmumukha mo”

“Hehe yung skin e kung pede lang naman.”

“E kung yan ba dinadagdagan mo na lang binibigay mong panggastos namin d2 sa bahay, di wala klang maririnig skin, kahit ilang beses mong gustong kumangkang sa isang araw.”

“O sya sya tama na at mag-uumaga na, nakakahya kay Jay siguradong naririnig tayo nun.”

“Hmmp peste ka talaga, lumayas ka na nga.”

“O sya aalis na ko alagaan mo si jun ha.”

“Sige lumayas ka na, sisikat na araw, baka makahalata pa asawa mo.”

“Wala pa yun, sa linggo pa uwi nun galing japan.”

Blagg, at sumara ang pinto ng langit!

Dapit Hapon ng isang Pinoy na Walang Magawa

Ano nga ba ginagawa ko dito, hmmm, cge, bigyan ng panahon ang blog na ito, tutal wala rin naman magawa, at kung nandi2 ka na sa linyang 2, dretso mo na ang pagbasa, sisiguraduhin ko syo, pag natapos mong basahin ito, itatanong mo sa sarili mo, kung anong katangahan ang ginawa mo, sukat ba namang basahin mo pa ito, nakita mo nang sa umpisa pa lang wala lang magawa ang sumulat nito.

Muli na namang sasapit ang isang dapit hapon ng bawa’t pilipino, yung asawa ko kayang nasa saudi tinitignan nya rin kaya ang paglubog ng araw sa mga oras na i2 (ika 5 at 16 na minuto)?

Ngek isa na namang malaking katangahan ko, di ba 5 hours ahead tayo sa saudi, samakatuwid habang sinusulat ko 2 1:00pm pa lang dun, wala pang dapit hapon, hayyy bobo ko.

Palubog na ang araw, sabi ng weather watcher ko 5:37 ang lubog ng araw ngayon, totoo kaya, mabantayan nga. Pahinga na naman ang mga magsasaka’t manggagawa, habang tumatagay sa iisang basong may lamang Ginebra. Pagtatalunan na naman ang sarisaring isyu na walang katapusan, hehehe enjoy naman tayong mga pilipino dun.

Nood na namang ako ng balita, tapos magagalit na naman kapag nakita kong binobomba ang mga raleyista sa mendiola. Naalala ko tuloy si Father Reyes, maliligo lang dumayo pa ng mendiola, naks na cannonized c father. ang gulo pala kahapon sa mendiola napatigil tuloy yung sinasakyang jeep ni Guzman sa tapat ng Baste, uwing-uwi pa naman ang mama at hinahabol nya c Darna, baka wala na naman syang mapwestuhan sa tarangkahan ng kapitbahay nyang may TV. Mahirap na nga naman na malagpasan nya ang isang episode, aba’y baka biglang sumabit yung kapirasong tela na panakip ni Darna sa kanyang dibdib. Hanggang d2 na nga lang muna ang tungkol kau darna, baka kung san pa lumipad ang istorya.

Teka nga pala kung c Darna kaya ang lalapit sa Mendiola, babasain din kaya sya, wala lang nagtatanong lang.